Handog ng miyembro ng San Mateo Municipal Police Station ang libreng sakay sa mga residenteng apektado ng pagbaha dulot ng bagyong Carina mula sa iba’t ibang apektadong lugar sa San Mateo, Rizal nito lamang Miyerkules, Hulyo 24, 2024.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jonathan D Ilay, Officer-In-Charge ng San Mateo Municipal Police Station, kaligtasan ng bawat pamilya sa kanilang nasasakupan ang prayoridad kaya iilan sa mga residente ang inilakas sa tulong ng libreng sakay gamit ang marked vehicle ng PNP.

Napag-alaman na karamihan ay mga bata at matanda ang unang inilikas upang maiwasan na magkaroon ng casualty dahil sa hagupit ng bagyo.
Patuloy naman nakaalerto at nakaantabay ang PNP upang masiguro na ligtas ang bawat mamamayan sa gitna ng ating nararanasang bagyo.
Source: San Mateo Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Grace Neville L Ortiz