Ma-a, Davao City – Nagsagawa ng isang araw na LGBTQ+ Camp ang Ma-a Police Station 16 sa Ma-a National High School, Ma-a, Davao City, nito lamang Sabado, Mayo 21, 2022.
Ito ay sa pamumuno ni PMaj Jun Bautista, Ma-a PS16 OIC kasama ang aktibong suporta ng Station Advisory Council.
Ayon kay PMaj Bautista, layunin ng camp na ito na magkaroon at palakasin ang ugnayan ng PNP sa mga LGBTQ+ na indibidwal at magsagawa ng community-based intervention para isulong ang LGBTQ+ community sa mga barangay ng Brgy. Ma-a, Brgy. Langub, Brgy. Magtuod at Brgy. New Carmen.
Ang kauna-unahang camp na ito ay nilahukan ng 50 indibidwal ng LGBTQ+ mula sa mga nasabing barangay.
Dagdag pa ni PMaj Bautista, ito ay isa rin sa magpapataas ng kamalayan ng mga kabataan na kinabibilangan ng LGBTQ+ upang mailayo sila sa pambubully na maaaring magtulak sa kanila at humantong sa posibleng paggamit ng ilegal na droga at pagsapi sa mga makakaliwang grupo.
Patunay lamang ito na kaisa ng anumang sektor ng lipunan ang Pambansang Pulisya upang sila ay bigyan ng proteksiyon at maisulong ang pagkakapantay-pantay o gender equality ng bawat mamamayan.
###
Panulat ni PCpl Mary Metche A Moraera