Pangasinan – Arestado ng mga tauhan ng Asingan Municipal Police Station ang isang lalaking wanted sa kasong Statutory Rape sa Purok Bubon, Loakan Proper, Baguio City bandang 03:20 ng hapon noong Disyembre 28, 2023.
Kinilala ni Police Major Katelyne May Awingan, Hepe ng Asingan Municipal Police Station, ang akusado na si Marlon Marquez Soberano alyas “Welben”, 54, isang helper, at residente ng Brgy. Sobol, Asingan, Pangasinan.
Ang Asingan PNP ay patuloy na nananawagan sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa pulisya para sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad.
Source: Asingan Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Marvin Jake E Romero