Arestado ang isang lalaking wanted na may kasong Rape sa pangunguna ng Tagudin PNP sa Barangay Ambalayat, Tagudin, Ilocos Sur bandang 9:00 ng gabi nito lamang ika-12 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Kleyvan Paycao S Dalang, Officer-In-Charge ng Tagudin PNP, ang suspek na si Carlos Lambinicio y Leal, 67 taong gulang, at residente ng Barangay Ambalayat, Tagudin, Ilocos Sur.
Ayon kay Police Major Dalang, nahaharap ito sa kasong Rape na walang kaukulang piyansa.
Samantala, nangangako naman ang Tagudin PNP na patuloy nilang gagampanan ang kanilang tungkulin at sinisigurado nila na walang makakalusot sa batas upang mapanatiling ligtas at malayo sa kapahamakan ang mamamayan sa Bagong Pilipinas.
Source: Tagudin Municipal Police Station
Panulat ni Patrolman Viljon Comilang