Arestado ng pulisya ang isang lalaking wanted na may patung patong na kaso sa Barangay 3- Silahis ng Pag-Asa, Paluan, Occidental Mindoro nito lamang ika-9 ng Setyembre 2024.
Kinilala ang suspek na si Francisco “Francis” Albuera Labustro, 36 anyos, may asawa, mangingisda, at residente ng Sitio Aglimasan, Barangay Harrison, Paluan, Occidental Mindoro.
Ang nasabing suspek ay naaresto sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Paluan MPS, 402nd BMC RMFB, at 4th MP, 2nd OMFMC at sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Sexual Assault in Relation to 7610 na may piyansa na Php200,000 bawat kaso; Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 na may piyansa na Php180,000 at Statutory Rape in Relation to RA 7610 na walang piyansa.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay lamang ng patuloy na pangangalaga ng mga kapulisan sa kaligtasan at kaayusan ng kanilang nasasakupan.
Source: OccMin PPO
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña