ParaƱaque City ā Arestado ang isang lalaki sa kasong Carnapping ng PNP Highway Patrol Team ā Paranaque City nito lamang Biyernes, Hulyo 1, 2022.
Kinilala ni PLtCol Joel Mendoza, Officer-in-Charge, Regional Highway Patrol Unit ā NCR, ang suspek na si Marlon Labonite Billen alias Jaypee Remillon Folluso, 34, carpool driver, single, residente ng Sitio Matahimik, Duhat, Sta. Cruz, Laguna.
Ayon kay PLtCol Mendoza, bandang 12:15 ng umaga nang naaresto si Billen sa Brgy. San Dionisio Stadium, Himlayang Palanyag, Paranaque City sa isinagawang Manhunt Operation in relation to “LOI Manhunt Charlie” ng mga operatiba ng EDHPT personnel sa pamumuno ni PMaj Edgardo A. Santiago.
Ayon pa kay PLtCol Mendoza, naaresto si Billen sa bisa ng dalawang (2) Warrant of Arrest for two (2) counts sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 na may rekomendadong piyansa na Php300,000.
Ang PNP ay hindi tumitigil sa pag-aresto at paghahain ng kaso laban sa mga may pananagutan sa batas kaya hinihikayat nito ang publiko na makipagtulungan at ipagbigay-alam sa mga otoridad ang mga katulad na kaso para sa mas mapayapang komunidad.
Source: OIC, RHPU-NCR
###
Panulat ni Police Senior Master Sergeant Marisol A Bonifacio