Lalaki, arestado sa CDO matapos ang apat na taong pagtatago sa kasong pagpatay

0
66

Arestado ang isang lalaking pinaghahanap ng batas matapos ang apat na taon na pagtatago sa kasong pagpatay sa pinagsanib na operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Lumbia, Cagayan de Oro City, nito lamang Hunyo 5, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas “Rogie,” 28 anyos, na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong pagpatay sa ilalim ng Criminal Case No. 21-126 na walang inirekomendang piyansa.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Tracker Team ng Police Station 8 ng Cagayan de Oro City Police Office, City Mobile Force Company at Banisilan Municipal Police Station ng Cotabato Police Provincial Office ng Region 12.

Patuloy naman ang pinaigting na kampanya ng PRO 10 laban sa mga wanted person upang matiyak na managot sa batas, mabigyan ng hustisya ang biktima na naaayon sa adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply