Sa kalagitnaan ng paghahain ng Warrant of Arrest kay Pastor Apollo Quiboloy at sa mga kasamahan nito, panibagong hamon ang hinarap ng pulisya matapos maaktuhan sa isang video na binubuhusan ng mga KOJC members ng lupa ang iilang pulis gamit ang backhoe.

Sa kabila ng mga pagtatangka na hadlangan ang legal na proseso sa pagpapatupad ng batas, hindi nagpatinag ang kapulisan at patuloy na ginagampanan ang trabaho na may dedikasyon at integridad.
Nagpapatunay na ang mga hakbang ng iilang KOJC members ay nagpapakita ng pagiging mas agresibo ng mga ito upang tutulan ang legal na operasyon ng PNP.

Maliwanag na ang lahat ng bintang at akusasyon laban sa PNP ay gawa-gawa lamang upang sirain ang kredibilidad at ipalabas sa publiko na ang organisasyon ang may masamang adhikain.
Samantala, patuloy pa rin ang PNP sa pagpapatupad ng batas upang ihain ang Warrant of Arrest laban kay Pastor Quiboloy at sa mga kasama nito dahil sa batas, lahat ay pantay-pantay.
Clip From IFM 103.9