Narekober ng Cagayano Cops ang mga kagamitan ng Communist Terrorist Group sa Barangay Masi, Zinundungan Valley, Rizal, Cagayan nito lamang ika-14 ng Pebrero 2024.
Ang operasyon ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Vincent C Maguddayao, hepe ng Provincial Intelligence Unit, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Julio S Gorospe, Jr, Provincial Director kasama ang Rizal PNP, 1st Provincial Mobile Force Company, 202nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 at 17 Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon kay PLtCol Maguddayao, ang mga nadiskubre sa nasabing lugar ay isang 5.56 Daewoo K3 Rifle; dalawang 5.56 Colt Rifle na may M203 Grenade Launcher; tatlong unit 5.56 Colt Rifle; tatlong 5.56 Elisco Rifle; 14 na Long Magazine ng M16 Rifle; apat na Short Magazine ng M16 rifle; isang ng cal. 45 Armscor pistol; isang magazine at 32 na bala nito; at isang Improvised Explosive Device.
Ang Police Regional Office 2 ay patuloy ang pagpapaigting sa kampanya laban sa insurhensiya at kriminalidad na naglalayong mahikayat na sumuko ang mga komunistang teroristang grupo sa pamahalaan at mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanilang mahal sa buhay.
Source: Cagayan Police Provincial Office
Panulat ni Pat Rolando T Baydid Jr