Kumpiskado ang mga ilegal na baril at bala sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad sa Purok Katipunan, Barangay Dapdap, Esperanza, Sultan Kudarat nito lamang ika-27 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Captain Jeffrey T Lazaro, Officer-In-Charge ng Esperanza Municipal Police Station, ang nakuhanan ng mga illegal na baril at bala na si alyas “Panoy”, 45 na taong gulang at residente ng nasabing lugar.
Bandang 8:30 ng umaga isinagawa ng mga tauhan ng Esperanza MPS, CIDG Sultan Kudarat PFU, 2nd SKPMC at RMFB 12 ang ang Search Warrant Operation bilang bahagi ng OPLAN PAGLALANSAG OMEGA na nagresulta ng pagkadakip ng suspek.
Nakumpiska ang isang unit ng 9 mm Pistol, isang unit ng caliber 45 na pistol, magasin at mga bala.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Ang matagumpay na pagkumpiska ng mga baril at bala ay bunga ng pagsisikap ng mga Esperanza PNP. Mas pinapaigting ang kampanya kontra mga ilegal na baril at alinsunod sa ipinatutupad na Gun Ban. Ang ganitong hakbang ay may hangaring maging payapa at ligtas ang komunidad.