Sultan Kudarat – Nakumpiska ang ilegal na baril at mga bala sa loob ng bahay ng isang magsasaka sa Brgy. Datu Wasay, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang ika-22 ng Hulyo 2023.
Ayon kay Police Major Heilbronn Okoren, Hepe ng Kalamansig Municipal Police Station, narekober sa ikinasang Search Warrant Operation ang isang unit ng improvised pistol na may kasamang sampung bala at isang isang holster.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ang naarestong suspek na kinilalang si alyas “Friddie”.
Tiniyak naman ni PMaj Okoren na patuloy ang Kalamansig PNP sa kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin