Ginunita ng pamunuan ng Police Regional Office 10 sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director, ang ika-128 taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Camp Alagar, Cagayan de Oro City nito lamang Biyernes, Hunyo 12, 2026.
Bilang bahagi ng tradisyon, isinagawa ang pagtaas at sabayang pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas at isinagawa rin ang pagkanta ng Pilipinas Kong Mahal.
Sa bawat pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, nararamdaman ang pagsibol ng pag-asa at pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Ang kalayaan ay nagbibigay-daan upang harapin ang mga hamon ng buhay at magtulung-tulong sa pagpapaunlad ng Bayan.
Sa ngayon at sa mga darating na taon, patuloy na ipagbubunyi ng mga mamamayang Pilipino ang Araw ng Kalayaan tungo sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



