Arestado ang isang High Value Individual at isang newly identified drug suspect sa isinagawang joint buy-bust operation ng Kalilangan Municipal Police Station Drug Enforcement Unit katuwang ang Provincial Intelligence Unit sa Purok 2, Kinura, Poblacion, Kalilangan, Bukidnon nito lamang ika-28 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Captain Romeo M Arcilla, Hepe ng Kalilangan MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Linda”, 60 anyos, babae at residente ng Purok 7, North Poblacion, Maramag, Bukidnon at si alyas “Ronny”, 36 anyos, lalaki at residente ng Purok-9B, North Poblacion, Bukidnon.
Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit kumulang 33.94 na gramo ng hinihinalang shabu na may street value na Php230,792 at iba pang non-drug evidence.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng matagumpay na kampanya ng PNP alinsunod sa programa ng gobyerno sa pagtugis sa mga taong nagkasala sa batas at patuloy na ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa ligtas, maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas.