Nueva Vizcaya – Tinatayang nasa Php805,800 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang High Value Individual sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Purok 5, Barangay Macate, Bambang, Nueva Vizcaya noong Nobyembre 9, 2023
Kinilala ang suspek na si Alyas Chrisler, 40-anyos na lalaki at residente ng Merville Subdivision, Paranaque City.
Matagumpay ang ikinasang operasyon sa pinagsanib pwersa ng Nueva Vizcaya Provincial Drug Enforcement Unit (lead unit), Provincial Intelligence Unit NVPPO, RDEU, PDEG-SOU2, PDEA NVPO at Bambang Police Station.
Nasamsam mula sa suspek ang isang (1) medium-sized heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, dalawang (2) malalaking plastic na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 118.5 gramo na nagkakahalaga ng Php805,800.00 at iba pang non-drug paraphernalia.
Ang collaborative approach at malakas na interagency na coordination ay napatunayang epektibo sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaligtasan, at panuntunan ng batas sa rehiyon.
Samantala, pinuri naman ni Police Colonel Camlon Nasdoman, Provincial Director ng Nueva Vizcaya PPO, ang pagsisikap ng mga operatiba at tiniyak na ang NOVO COPs ay mananatiling nakatuon sa pagpapaigting ng mga kampanya laban sa droga at pagdakip sa mga indibidwal na sangkot sa mga aktibidad ng ilegal na droga.
Source: Nueva Vizcaya Police Provincial Office