Cebu City – Kumpiskado ang tinatayang nasa higit Php1.4 milyon na halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng mga miyembro ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7 sa Sitio Hubao, Brgy. Guba, Cebu City, bandang alas-10:00 ng gabi noong Biyernes, Setyembre 22, 2023.
Sa pangunguna ni Police Captain Bonifacio Tañola ng RPDEU 7, arestado sa operasyon ang suspek na si alyas “Matang”, 34, residente ng Sitio Kalubihan, Brgy. Guba, Cebu City.
Kasabay ng kanyang pagkakaaresto, nakumpiska sa pag-iingat nito ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 210 gramo na may Standard Drug Price na Php1,428,000 at ang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa mga reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bahagi ang matagumpay na operasyon sa walang humpay na pagsisikap ng kapulisan, katuwang ang komunidad upang labanan at matuldukan ang problema sa ilegal na droga.