Samar – Arestado ang isang High Value Target sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba sa Brgy. 6 Poblacion, Catbalogan City, Samar, nito lamang Setyembre 23, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Norman Ala, Officer-In-Charge ng Catbalogan City Police Station, ang naaresto na si alyas “Bodok”, dating barangay kagawad at drug surrenderee.
Bandang 10:35 ng umaga nang maaresto ang suspek ng pinagsamang tauhan ng Catbalogan City Police Station-Station Drug Enforcement Team, PIU/PDEU, Samar PPO at PDEA 8 matapos makabili ang nagpanggap na poseur-buyer ng isang pakete ng hinihinalaang shabu na tumitimbang ng 0.46 gramo at nagkakahalaga ng Php500.
Nakuha sa kanyang posesyon ang mga pekete ng droga na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 15.66 gramo na nagkakahalaga ng Php126,000, drug paraphernalia at iba pang mga ebidensya.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa pagtutulungan ng PNP at PDEA ay walang tigil sa pagsasawata at pagpapaigting ng kampanya laban sa mga gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.