Tisa, Cebu – Timbog ang isang High Value Individual ng Cebu City sa ikinasang buy-bust operation ng PNP nito lamang Sabado, ika-25 ng Hunyo 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ernesto Salvador T Tagle, Acting City Director ng Cebu City Police Office ang naaresto na si Julius Castañeras alyas “Mayor”, 25, residente ng Sitio Riverside, Brgy. Duljo Fatima, Cebu City na kabilang sa naitalang High Value Individual ng lungsod.
Ayon kay PCol Tagle, ang suspek ay nahuli sa Sitio San Jose Village Extension, Brgy. Tisa, Cebu City ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office.
Ayon pa kay PCol Tagle, nakuha mula sa suspek ang nasa 60 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php408,000.
Ang naturang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinisiguro ng Cebu City Police Office na kanilang ipagpapatuloy ang maayos at epektibong paraan upang tuluyan ng mawakasan ang iba’t ibang uri ng kriminalidad na dulot ng ilegal na droga.
###