Davao City – Arestado ang isang babae sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 2, Brgy. 76-A Bucana, Davao City nito lamang Pebrero 24, 2023.
Kinilala ni Police Major Marvin Hugos, Station Commander ng San Pedro Police Station, ang suspek na si alyas “Carmelita”, 65, residente ng nasabing lugar at tinaguriang High Value Individual sa lugar.
Ayon kay PMaj Hugos, naaresto ang suspek ng pinagsamang tauhan ng Special Drug Enforment Unit ng San Pedro Police Station at PDEA XI.
Nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 0.16 gramo na may street market value na Php2,560 at marked money.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Police Regional Office 11 ay hindi titigil sa mga operasyon kontral ilegal na droga sa lungsod hanggang makamit ang layunin na gawing drug-free ang rehiyon onse sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara/PRCADU11