Umarangkada ang “Handog Tsinelas Program” ng kapulisan ng Kapalong Municipal Police Station para sa mga bata bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw Tiburcia sa Brgy. Tiburcia, Kapalong, Davao del Norte noong Oktubre 19, 2026.
Ito ay naging posible sa pagsisikap ni Police Major Raul M Lucas, Officer-In-Charge ng Kapalong MPS at stakeholders.
Sa pamamagitan ng programa, namahagi ang mga pulis ng mga bagong tsinelas sa mga bata sa pangunguna ni PMSg Mary Jane P Abellanosa, upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at makapagbigay ng simpleng kasiyahan.
Isinagawa ang aktibidad alinsunod sa PNP PATROL Plan 2030, na naglalayong palakasin ang kapakanan ng mga kabataan at patatagin ang ugnayan ng kapulisan at ng komunidad.
Layunin ng “Handog Tsinelas Program” na maipakita ang malasakit ng kapulisan sa mga bata, suportahan ang kanilang kapakanan, at higit pang mapalapit ang PNP sa mga mamamayang pinaglilingkuran nito alinsunod sa adbokasiya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.

