Gulong ng Pag-asa: PWD sa San Vicente, nakatanggap ng wheelchair at food assistance

0
62

Nagkaloob ng wheelchair at food assistance ang personnel ng 3rd Platoon, 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC), katuwang ang Rotary Club of Roxas, sa isang Person with Disability (PWD) sa Purok Maunlad, Barangay Port Barton, San Vicente, Palawan kamakailan lamang.

Ang naturang benepisyaryo ay si Kian Rey Pinero, 15 taong gulang, na pinagkalooban ng wheelchair upang makatulong sa kanyang mobility at araw-araw na pangangailangan, gayundin ng food assistance bilang dagdag suporta sa kanyang pamilya.

Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng programang “Gulong ng Pag-asa” na naglalayong makapaghatid ng tulong at malasakit sa mga indibidwal na nangangailangan, partikular sa sektor ng mga PWD.

Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, muling ipinakita ng 2nd Palawan PMFC ang patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor at organisasyon upang makapaghatid ng serbisyong may malasakit at mapalakas ang ugnayan sa komunidad.

Source: 2nd Palawan PMFC

Leave a Reply