Goodjao para sa kinabukasan project, naghatid ng kaalaman at inspirasyon sa mga kabataang badjao

0
119

Sanib-pwersa ang National Police Commission (NAPOLCOM) BARMM at Cotabato City Police Office sa ikinasang GOODJAO Para sa Kinabukasan ng mga Kabataang Badjao Project sa Kutawato Greenland Initiatives, Inc. (KGI) Training Hall, Mahad Street, Cotabato City nito lamang Hulyo 11, 2026.

Pinangunahan ang aktibidad ni NAPOLCOM BARMM Regional Director Atty. Fahd A. Candao, sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Atty. Fred Jeush D. Tangonan, Attorney V, sa pakikipag-ugnayan sa Cotabato City Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jibin M. Bongcayao, City Director.

Pinangunahan ang programa nina PEMS Mary Jane B. Perez, Chief Clerk ng CCADU; PSSg Era Matalam, CCADU IORS PNCO; at PCpl Donna Bagumbaran, CCADU PPS PNCO, kasama ang mga tauhan ng Police Community Relations (PCR) mula sa Police Station 1 at Police Station 2 ang lecture sa mga katutubong Badjao.

Ang programang Lectures for Badjao ay inilaan para sa mga estudyanteng Badjao na nag-aaral sa Cotabato City. Layunin nitong palakasin ang ugnayan ng mga tagapagpatupad ng batas at ng komunidad ng mga katutubong Badjao sa pamamagitan ng pagtataguyod ng tiwala, pagkakaunawaan, at kamalayan sa pamamagitan ng mga talakayang pang-edukasyon. Binigyang-diin din sa aktibidad ang kahalagahan ng kaalaman, edukasyon, at pakikilahok ng komunidad upang mabigyan ng kakayahan ang mga kalahok at maisulong ang isang mas ligtas at mas inklusibong lipunan na napapaloob sa mantra ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.

Leave a Reply