Saturday, March 7, 2026

Ginang na na-stroke, nailigtas ng Ternate PNP sa panganib

Nailigtas ng mga tauhan ng Ternate Municipal Police Station ang isang ginang na hinihinalang inatake ng stroke noong Pebrero 18, 2026.

Ayon kay PMaj Henry A Salazar, Chief of Police, habang nagsasagawa ng routine checkpoint ang mga tauhan ng Ternate Municipal Police Station sa Governor’s Drive, Barangay Sapang I, Ternate, isang 15-anyos na dalagita ang lumapit at humihingi ng tulong para sa kanyang inang hinihinalang inatake ng stroke.  

Agad namang rumesponde ang mga pulis, pinuntahan ang pasyente, at isinakay ito sa kanilang patrol vehicle upang madala sa San Lorenzo Hospital. Dahil sa maagap at maayos na pag-aksyon, nalapatan ng agarang lunas ang pasyente at nailigtas ang kanyang buhay.

Binigyang-diin ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, Philippine National Police, ang kahalagahan ng ganitong uri ng serbisyo.

Ayon kay PGen Nartatez, “Ang pagiging pulis ay hindi natatapos sa checkpoint o sa pagpapatrolya. Kapag may buhay na nangangailangan ng tulong, tungkulin nating kumilos agad. Ipinapakita ng ating mga pulis sa Ternate na ang tunay na serbisyo ay may puso.”

Dagdag pa niya, “Ipinagmamalaki natin ang ganitong klase ng aksyon—mabilis, may malasakit, at may pananagutan. Ito ang uri ng pulisya na nais nating maramdaman ng bawat Pilipino.”

Ang insidenteng ito ay alinsunod sa PNP Focused Agenda at Enhanced Managing Police Operations, na nagbibigay-diin sa mabilis at epektibong pagresponde sa mga pangangailangan ng komunidad.

Sa bawat ganitong kwento ng agarang pag-aksyon at malasakit, mas pinagtitibay ang layunin ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
5,060SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles