Nagsagawa ng Field Visits at Inspection si Police Brigadier General Romeo J. Macapaz, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao, kasama sina Police Colonel John Michael C Mangahis, Chief ng Regional Operations Division, at Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director ng Lanao del Sur Police Provincial Office, ang sunod-sunod na field visits at inspeksyon sa iba’t ibang Municipal Police Stations sa lalawigan ng Lanao del Sur nito lamang ika-26 ng Abril 2025.


Sa kanyang Talk to Men session, personal na pinaalalahanan ni PBGen Macapaz, ang mga kapulisan hinggil sa kahalagahan ng mataas na antas ng pagbabantay, tamang deployment, at kahandaan sa operasyon bilang paghahanda sa nalalapit na National and Local Elections 2025.
Binigyang-diin din nito ang paggamit ng mga communication at mobility assets; siguruhin ang mahigpit na pagsunod sa mga checkpoint protocols alinsunod sa mga resolusyon ng COMELEC; at itaguyod ang propesyonalismo at tiwala ng publiko sa lahat ng aspeto ng tungkulin.
Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PNP na paigtingin ang kakayahan sa pagbibigay ng mahusay na serbisyong pampubliko, pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan, at pagtitiyak ng ligtas na eleksyon para sa bawat komunidad.
Sa matatag na dedikasyon, patuloy na nakaantabay ang ating kapulisan upang maglingkod at magprotekta para sa mapayapa, maayos, at ligtas na halalan para sa bawat Pilipino.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya