Paniqui, Tarlac – Nagsagawa ng Feeding Program ang Paniqui PNP sa Barangay Estacion, Paniqui, Tarlac nito lamang Miyerkules, Hunyo 8, 2022
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Ronald Macalino, Deputy Chief of Police ng Paniqui Municipal Police Station kasama ang mga miyembro ng Paniqui Force Multipliers at Officers ng United Women of Paniqui Mabilang Chapter.
Humigit kumulang 30 na bata ang nahandugan ng libreng lugaw sa nasabing lugar.
Ayon kay PMaj Macalino, lubos na nagpapasalamat ang mga bata sa PNP sa libreng lugaw na ibinigay sa kanila.
Layunin ng aktibidad na mapagtibay ang ugnayan ng PNP sa mga mamamayan sa pagbigay ng pangunahing serbisyo lalo na sa mga bata.
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera