Ganadong nakipagsayawan ang mga grupo ng kababaihan sa isinagawang Dance Fitness Activity sa Barangay Apolonio Samson sa Quezon City nito lamang Martes, ika-20 ng Pebrero 2024.

Pinangunahan ito ng mga kapulisan mula sa Regional Community Affairs and Development Unit ng NCR (RPCADU NCR) bilang mga dance instructors sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Randy D Alagao, Officer-In-Charge, RPCADU NCR kasama ang La Loma Police Station at ng mga Barangay Officials ng nasabing barangay.
Lumahok din ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) na nagpakita ng kanilang talento sa pagsasayaw at nakipagsabayan din sa ating mga mananayaw. Kasabay nito, nagsagawa rin ng feeding program para sa lahat ng lumahok.

Ang nasabing programang ito ay nilunsad para lalong palakasin ang katawan ng ating mga nanay dahil sa pag-eehersiyo at malayo sa anumang uri ng karamdaman. Ito ay isa ring paraan ng pamahalaan na pangalagahan ang kalusugan ng bawat pilipino para sa isang maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos