Isang dating miyembro ng Philippine Army ang naaresto sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Cagamutan Sur, Leganes, Iloilo nito lamang ika-9 ng Mayo 2024.
Pinangalanan ang naaresto bilang si alyas “Robert”, 54 anyos, residente ng Barangay Cansilayan, Dumangas, Iloilo.
Narekober sa suspek ang 15 plastic sachet ng suspected shabu na tinatayang may bigat na 150 gramo at may halagang Php1,020,000.
Base sa impormasyon, anim na taong naglingkod sa Philippine Army ang suspek subalit ito ay na-dismiss matapos magpositibo sa random drug test.
Sa pangyayaring ito, patuloy ang determinasyon ng mga awtoridad sa pamamagitan ng mahigpit na pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga.
Ang pagkakaaresto sa isang dating miyembro ng Philippine Army ay nagpapakita ng hindi pagtutol ng mga kinauukulan sa pagpapatupad ng batas kahit sino pa ang sangkot.
Patunay lamang ang pangyayari na patuloy ang pagsugpo ng pamahalaan kontra sa ilegal na droga sa bansa.
Source: Panay News
Panulat ni Pat Justine Mae Jallores