Lower Bicutan, Taguig City — Umabot sa Php578,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Taguig City Police Station nito lamang Martes, Setyembre 6, 2022.
Kinilala ni Acting District Director ng SPD, Police Colonel Kirby John B Kraft, ang mga suspek na si Zenorin Midtimbang y Usman alyas “Jenorin”, driver, 41, at Johari Taup y Candot, college student, 22.
Ayon Kay PCol Kraft, naaresto sina Midtimbang at Taup bandang 9:00 ng gabi sa Road 14, Roldan St. Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig CPS.
Narekober sa dalawang suspek ang 29 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 85 gramo at may Standard Drug Price na Php578,000, black coin purse, bundle ng empty transparent sachet, weighing scale, Php1,000 na buy-bust money at Php5,000 boodle money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PCol Kraft, ang pagsisikap ng mga operatiba at nanindigan na paiigtingin ang kanilang anti-illegal drugs operations upang mawaksi ang mga nagtutulak ng droga sa buong Southern Metro.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos