Timbog ang isang estudyante na tinaguriang Top 9 Regional Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Lebak Municipal Police Station sa Purok Sampaloc, Barangay Barurao 2, Lebak, Sultan Kudarat nito lamang Marso 29, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel William L Facsoy Jr., hepe ng Lebak Municipal Police Station, ang suspek na si alyas āReynaldā, 20 anyos, estudyante at residente ng naturang lugar.
Ayon kay PLtCol Facsoy Jr., sa pinagsanib na pwersa ng Lebak Municipal Police Station kasama ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group 12 SKPFU, Regional Intelligence Division 12 Tracker Team Delta, 2nd SK Provincial Mobile Force Company, 5th SOU MG at RMU 12 RSOT ay naging matagumpay ang pagdakip sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kaso nitong 3 counts of Rape na walang kaukulang piyansa.
Ang pambansang pulisya ay hindi titigil sa pagsasagawa ng mga hakbang para mapuksa ang kriminalidad dito sa bansang Pilipinas na alinsunod sa isa sa mga prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Panulat ni Patrolwoman Rhesalie Umalay