Enrile, Cagayan – Nakiisa ang Enrile PNP sa pagdiriwang ng ika-44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week sa bayan ng Enrile, Cagayan nitong Hulyo 20, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Precil Morales, Deputy Chief of Police ng Enrile Police Station, Cagayan PPO kasama si Ms. Amalia Decena, PWD (DSWD) at Municipal Advisory Council member.
Ito ay may temang “Pamahalaan: Kabalikat sa Pagtupad ng Pantay na Edukasyon, Trabaho at Kabuhayan, Tugon sa Pagpapalakas ng Taong May Kapansanan.”
Nilalayon nitong pasiglahin ang kamalayan ng publiko sa mga isyu ng kapansanan at itaguyod ang mga karapatan ng mga may kapansanan.
Hinikayat din ang lahat na makilahok sa aktibong pag-angat ng kalagayang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga taong may kapansanan at higit na mapahusay ang kanilang pakikisama sa lipunan.
Source: Enrile PS
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin