Drug Suspect, arestado sa buy-bust operation sa Labo, Camarines Norte

0
373

Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Labo Municipal Police Station ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation dakong alas-5:39 ng umaga nitong Mayo 10, 2026 sa Purok 3, Brgy. Masalong, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ni PLtCol Andy O Rosero, Chief of Police ng Labo MPS, ang naarestong suspek sa alyas na “Bintog.”

Ang operasyon ay pinangunahan ng Labo MPS sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, 2nd Provincial Mobile Force Company ng Camarines Norte Police Provincial Office, at 503rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion at sa koordinasyon ng PDEA Regional Office V.

Kasalukuyang nasa kostodiya ng Labo MPS ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Alinsunod sa PNP mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” aasahan pa ng publiko ang mas pinaigting na mga operasyon kontra droga upang tiyakin na tuluyan nang masugpo ang sirkulasyon ng ilegal na droga sa buong bansa.

Leave a Reply