Arestado ang isang miyembro ng Dawlah Islamiyah–Maguid sa joint operation ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Miyerkules, Pebrero 25, 2026.
Sa pangunguna ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Hepe ng PNP, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder kaugnay ng pambobomba noong 2018 sa General Santos City.
Nabatid na ang suspek ay pangunahing personalidad sa pagpaplano at pagsasagawa ng IED attack na ikinasugat nang malubha ng walong sibilyan, kabilang ang isang tatlong taong gulang na bata.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng NBI–Central Mindanao Regional Office, katuwang ang NBI–Sarangani District Office Intelligence Service, International Airport Investigation Division, Counter-Terrorism Division, at International Operations Division
Tinangka ng suspek na tumakas patungong Estados Unidos ngunit na-detain ng U.S. immigration authorities dahil sa paglabag sa immigration laws at kalauna’y na-deport pabalik ng bansa.
Patuloy ang NBI at PNP CIDG sa pagusig sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.



