Davao de Oro PNP, nagsanay ng personnel bago ang deployment sa BARMM

0
116

Hinubog ang mga tauhan ng Davao de Oro Police Provincial Office ang kahandaan ng mga police personnel na nakatakdang italaga sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamamagitan ng isang araw na Basic Life Support–Standard First Aid at Hands-Only CPR Training na isinagawa sa Davao de Oro PPO Headquarters noong August 12, 2026.

Sa isinagawang opening ceremony, nagbigay ng pambungad na mensahe si Police Lieutenant Colonel Estrello B Ramiso, Deputy Provincial Director for Operations, at binigyang-diin ang kahalagahan ng kahandaan at kakayahan ng mga police personnel na magsasagawa ng tungkulin sa BARMM.

Samantala, ipinaabot ni Police Lieutenant Colonel Gilbert T Papa, Deputy Provincial Director for Administration, ang mensahe ni Provincial Director Police Colonel Cesario D Dukiling Jr., para sa mga kalahok.

Binigyang-diin dito na ang kahandaan sa deployment ay hindi lamang nakatuon sa operational capability, kundi maging sa kakayahang makapagbigay ng agarang tulong sa oras ng emergency.

Hinimok din ng Provincial Director ang mga personnel na gampanan ang kanilang magiging tungkulin sa BARMM nang may disiplina, propesyonalismo, at mataas na pananagutan, habang patuloy na isinasabuhay ang mga pagpapahalagang inaasahan sa bawat police officer.

Samantala, pinangunahan ng Regional Medical and Dental Unit 11 (RMDU 11) ang pagsasanay, kung saan tinuruan ang mga kalahok ng basic life support, standard first aid, at hands-only cardiopulmonary resuscitation (CPR).

Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kakayahan at kahandaan ng mga police personnel sa pagtugon sa mga medical emergency at pagbibigay ng agarang life-saving assistance habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa BARMM.

Leave a Reply