Davao CPO, nagsagawa ng inspeksiyon sa mga pantalan at sementeryo para sa ligtas na “Undas 2026”

0
529

Nagsagawa ang pamunuan ng Davao City Police Office (CPO) ng inspeksiyon at koordinasyon sa mga pangunahing pantalan at memorial sites sa lungsod upang matiyak ang kahandaan ng mga ito sa pagdagsa ng publiko ngayong “Undas 2026” noong Oktubre 29, 2026.

Pinangunahan ito ni Police Colonel Peter B Madria, City Director ng Davao CPO, kasama si Police Major Jake C Goles, Chief ng City Community Affairs and Development Unit (CCADU).

Kabilang sa mga siniyasat ang Sta. Ana Wharf, Sasa Wharf, DavSam Ferry Terminal at Forest Lake Memorial Park na inaasahang dadagsain ng mga biyahero at mga pamilyang bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Sa isinagawang inspeksiyon, tinukoy ang mga kinakailangang pagwawasto at hakbang upang higit na mapalakas ang seguridad, mapanatili ang kaayusan at matiyak ang sapat na presensiya ng kapulisan sa mga nasabing lugar na naaayon sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Patuloy na paiigtingin ng Davao City PNP ang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang pamunuan at iba pang katuwang na sektor upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, biyahero at bisita, at maisulong ang ligtas at mapayapang paggunita sa Undas 2026.

https://www.facebook.com/share/p/1A4jVvDiwo/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply