Davao City PNP, pinaigting ang kahandaan sa pamamagitan ng First Aid at Basic Rescue Training

0
106

Nanguna ang Davao City Police Office (CPO) sa kahandaan katuwang ang force multipliers sa panahon ng sakuna at emergency sa pamamagitan ng isang pagsasanay sa first aid at basic rescue na isinagawa sa Kabalikat Hall, Camp Captain Domingo E. Leonor, San Pedro Street, Davao City noong Setyembre 3, 2026.

Pinangunahan ng Davao CPO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Peter B Madria, City Director, kasama si Police Major Jake C Goles, Chief ng City Community Affairs and Development Unit, katuwang ang PRO 11 Community S.H.I.E.L.D. (Strengthened and Harmonized Inter-Agency Engagements and Linkages for Community Towards Disaster Resilience), ang Volunteer Training on First Aid and Basic Rescue.

Dumalo sa pagsasanay ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), barangay tanod, at iba pang force multipliers mula sa 19 police stations ng Davao City Police Office. Sa pamamagitan ng aktuwal at praktikal na pagsasanay, natutunan ng mga kalahok ang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa pagbibigay ng first aid at pagsasagawa ng basic rescue operations sa oras ng emergency.

Bukod sa pagsasanay, naging pagkakataon din ito upang mapalalim ang samahan at pagtutulungan ng mga kalahok sa pamamagitan ng isang boodle fight matapos ang aktibidad.

Binigyang-diin ni PCol Madria, na ang pagiging handa ay mahalaga upang makapagligtas ng buhay, lalo na sa panahon ng sakuna at iba pang emergency. Aniya, patuloy na isinusulong ng pulisya ang pagtutulungan ng kapulisan, mga volunteer, at mga partner stakeholders upang higit na mapalakas ang kakayahan ng komunidad na tumugon sa anumang insidente.

Layunin ng pagsasanay na mapahusay ang kaalaman at kasanayan ng mga community stakeholders sa first aid at basic rescue, mapalakas ang disaster preparedness, at makabuo ng mas ligtas, handa, at resilient na mga komunidad sa Davao City.

Leave a Reply