Davao City PNP, nakiisa sa Paggunita sa ika-95 National Heroes Day

0
325

Nakiisa at binigyang-pugay ng mga miyembro ng Davao City Police Office ang katapangan at kabayanihan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at kapayapaan ng bansa sa isinagawang paggunita ng ika-95 National Heroes Day sa OsmeƱa Park, C.M. Recto corner San Pedro Street, Davao City noong Agosto 31, 2026.

Pinangunahan ni Police Colonel Peter B Madria, City Director ng Davao City Police Office, kasama ang mga tauhan ng himpilan, ang pakikiisa sa makabuluhang okasyon bilang pagkilala sa sakripisyo at kabayanihan ng mga dakilang Pilipino na nagsilbing inspirasyon sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

Binigyang-diin ni PCol Madria, ang kahalagahan ng patuloy na pag-alala sa kagitingan ng mga bayani at pagsasabuhay ng kanilang mga iniwang aral—kabilang ang pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, katapatan, at paglilingkod sa kapwa.

Naging bahagi rin ng paggunita ang pagpapakita ng pagkakaisa ng kapulisan kasama ang mga katuwang na ahensya at organisasyon sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at kaayusan sa lungsod, bilang pagpapatuloy sa adhikaing ipinaglaban ng mga bayaning nagbigay-daan sa isang malaya at ligtas na bansa.

Leave a Reply