Pinalakas ng Davao City Police Office 1st City Mobile Force Company, ang ugnayan ng pulisya, paaralan, at komunidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng PNP P.A.T.R.O.L. (Peace and order, Anti-criminality, Transformation, Reform, Organization, Leadership) Plan 2030 Cascading Activity sa Mapula National High School, Brgy. Mapula, Paquibato District, Davao City, noong Agosto 20, 2026.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Lieutenant Rajer U. Salahuddin sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Daisy G. Torres, Acting Force Commander, na dinaluhan ng mahigit 100 mag-aaral mula Grade 10 hanggang Grade 12, kasama ang mga school officials, faculty members, at community stakeholders.
Tinalakay ng kapulisan ang PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030 at hinikayat ang mga kabataan na maging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng disiplina, pagsunod sa batas, at aktibong pakikilahok sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.
Bahagi rin ng aktibidad ang mga symposium tungkol sa Anti-Bullying, Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Anti-Terrorism Awareness, kung saan nabigyan ang mga estudyante ng mahahalagang kaalaman tungkol sa kaligtasan, pagiging mapagmatyag, at tamang pag-uulat ng mga ilegal o kahina-hinalang gawain.
Namahagi rin ang kapulisan ng lugaw, juice, at snacks sa mga kalahok bilang bahagi ng kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kabataan.
Naging matagumpay ang programa sa pamamagitan ng suporta ng R-PSB Team ng Barangay Mapula, Barangay Council, 1st CMFC Advisory Group, at mga opisyal at faculty members ng Mapula National High School.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng pulisya, paaralan, at komunidad, gayundin ang bigyang-kapangyarihan ang mga kabataan bilang aktibong katuwang sa pagpapanatili ng isang ligtas, mapayapa, at maayos na komunidad.



