Dating Miyembro ng CTG, kusang-loob na sumuko sa Sarangani

0
244

Kusang-loob na sumuko ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Sitio Gulo, Barangay Laguimit, Glan, Sarangani Province noong Mayo 15, 2026.

Nabatid mula kay Police Lieutenant Colonel Jovenson B. Bayona, Chief of Police, Glan Municipal Police Station, na ang sumuko ay dating miyembro ng dismantled Guerrilla Front 71 Squad Uno ng FSMR, 45-anyos na magsasaka, may asawa, at residente ng Barangay Pag-Asa, Alabel, Sarangani Province. 

Ang pagsuko ay naisakatuparan sa pamamagitan ng joint operation ng mga tauhan ng Glan Municipal Police Station, 1st Sarangani Provincial Mobile Force Company, RIU 12, RID 12, SPPO PIU, Alpha Company ng 73rd Infantry Battalion, at Sarangani MARPSTA kasabay ng pagpapatupad ng Major Internal Security Operation OPLAN KATAHIMIKAN at Revitalized Police sa Barangay (R-PSB) Program.

Kasabay ng kanyang pagsuko ay boluntaryo rin niyang isinuko ang isang improvised 12-gauge single-shot firearm na walang serial number at apat na bala ng 12-gauge shotgun ammunition.

Solido ang kampanya ng PNP at pamahalaan upang matuldukan ang insurhensya at terorismo na nakaangkla sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply