South Cotabato – Sumuko ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga awtoridad sa Brgy. Edwards, T’Boli, South Cotabato nito lamang ika-24 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Emerson Policarpio, Hepe ng T’boli Municipal Police Station, ang sumuko na si “Ka Carding”, na dating miyembro ng CTG sa ilalim ng RSDG/Timlas Platoon, Sub-Regional Command (SRC) Daguma, Far South Mindanao Region (FSMR).
Ayon kay PLtCol Policarpio, boluntaryong sumuko si “Ka Carding” dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng T’boli Municipal Police Station; 11th SF Company; 5th SF Batallion, Philippine Army; 2nd Provincial Mobile Force Company; South Cotabato Police Provincial Office CPPO at sa suporta ng Lokal na Pamahlaan ng T’Boli ay nakipag-ayos at pinadali ang mapayapang pagbabalik-loob ng dating miyembro ng CTG.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang unit ng M1 Garand (Winchester) Rifle na may serial no. 763668 at isang improvised M79 grenade launcher.
Patuloy pa rin ang panawagan ng mga alagad ng batas sa iba pang miyembro ng CTG na magbalik-loob sa gobyerno, umuwi at bigyang pagkakataong makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin/RPCADU12