Saturday, March 1, 2025

Dalawang suspek, arestado sa pagdadala ng iligal na baril sa Cotabato City

Arestado ang dalawang lalaki matapos na maharang sa isinagawang Checkpoint Operation ng Cotabato City Police Office at mahulihan ng mga iligal na baril sa bahagi ng Notre Dame Avenue, Kanto Nayon Shariff Rosary Heights 3, Cotabato City nito lamang ika-26 ng Pebrero 2025.

Kinilala ni Police Captain Rustan P Deaño, Officer-In-Charge ng Cotabato City Police Station 1, ang mga suspek na sina alyas “Rasdin,” at alyas “Von”, nasa hustong gulang at pawang residente ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Nang maharang ng pulisya ang dalawang lalaking sakay ng Toyota Hilux at nang suriin, nakuha sa kanilang posesyon ang di dokumentadong tatlong kalibre ng 45 pistol, apat na magasin at mga bala.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at COMELEC Gun ban ang mga suspek.

Patuloy na pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na sundin ang mga itinakdang alituntunin sa ilalim ng election gun ban upang matiyak ang kapayapaan at seguridad ng lahat, lalo na sa nalalapit na halalan.

Panulat ni Pat Veronica Laggui

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,420SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles