Lanao Del Sur – Sumuko ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute Group sa Lanao Del Sur Police Provincial Office sa Camp Bagong Amai Pakpak, Marawi City nitong Hunyo 29, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jibin Bongcayao, Acting Provincial Director ng LDSPPO, ang mga sumuko na sina alyas “Musang”, 55, residente ng Brgy. Palacat, Piagapo, Lanao Del Sur at alyas “Mandi” Ali, 34, residente ng Brgy. Menting, Piagapo, Lanao Del Sur.
Ayon kay PCol Bongcayao, kasabay ng kanilang pagsuko ang kanilang mga baril na isang M16 rifle at Thompson Ingram.
Ayon pa kay PCol Bongcayao, ito ay resulta ng pinagsamang pagsisikap ng sektor ng seguridad at iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay sa pagwawakas ng lokal na armadong labanan sa lalawigan.
Samantala, hinimok din niya ang iba pang miyembro ng teroristang grupo na isuko ang kanilang sarili at mamuhay ng payapa at kasama ang kani-kanilang mga pamilya.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz