CPNP Nartatez, personal na nanguna sa pagtutok sa mga kaganapan sa Trillion Peso March

0
359

Personal na pinangunahan ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, Philippine National Police, ang intensive monitoring sa sitwasyon ng kasalukuyang Trillion Peso March kasabay ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa PNP Command Center (PCC) ngayong araw, February 25, 2026.

Mula sa Command Center, pinangunahan ng PNP Chief ang real-time monitoring at reporting mula sa mga ground commanders sa buong bansa, upang matiyak ang maayos at epektibong security deployments, maging sa pagpapatupad ng mga contingency measures sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Samantala, isinailalim naman sa heightened alert ang buong yunit ng Pambansang Pulisya ngayong araw bilang bahagi sa malawakang paghahanda ng pulisya sa nasabing mapayapang kilos-protesta.

Tiniyak naman ni Police General Nartatez ang publiko na buong pwersang nakahanda ang Pambansang Pulisya upang protektahan ang lahat ng mga mamamayan kabilang na ang mga dumalo sa nasabing demokratikong pagtitipon,  at panatilihin ang seguridad ay kaayusan sa mga pangunahing lugar sa bansa alinsunod sa mga karampatang batayan at legal na mga pamamaraan sapagkat ang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas, ay mayroong Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.