Cordon MPS, pinaigting ang kahandaan ng St. John Berchman’s High School sa posibleng active attack

0
26

Pinaigting ng Cordon Municipal Police Station (MPS) ang kahandaan ng St. John Berchman’s High School sa banta ng posibleng aktibong pag-atake sa pamamagitan ng pakikilahok ni PMSg Rodel E Deus, Investigator/PNCO ng nasabing istasyon, bilang resource speaker sa isinagawang Symposium on Active Attack Preparedness and Readiness sa Brgy. Magsaysay, Cordon, Isabela, noong Setyembre 18, 2026.

Tampok sa symposium ang pagbibigay ng mahahalagang kaalaman at wastong estratehiya sa mga guro at mag-aaral upang maging mas handa sa pagtugon sa mga posibleng banta sa loob at paligid ng paaralan. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag, maagap, at maalam sa mga nararapat na hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng buong komunidad ng paaralan.

Sa pamamagitan ng naturang inisyatiba, patuloy na pinatitibay ng Cordon MPS ang ugnayan at koordinasyon nito sa mga paaralan at iba pang stakeholders upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga guro at mag-aaral, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Cordon MPS (https://www.facebook.com/share/p/19uCKkzrFz/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply