Community Outreach Program ng Limay PNP; umarangkada

0
1345

Bataan – Umarangkada ang Community Outreach Program ng Limay PNP para sa mga mag-aaral ng Kinaragan Elementary School, Brgy. Duale, Limay, Bataan nito lamang Lunes, ika-23 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ni Police Lieutenant Colonel Elias Tait, Chief of Police ng Limay Municipal Police Station, katuwang ang Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company.

Umabot sa 100 na estudyante ang nabigyan ng hygiene kits at benepisyaryo sa libreng pakain ng mga awtoridad.

Inilunsad din ng Limay PNP ang proyektong 100 Hands: “Sabon para sa 100 na Kamay na Malinis Hatid ni Kuya at Ate Pulis ng Limay” sa nasabing paaralan.

Layunin ng naturang proyekto na mabigyang kahalagahan at bigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang pangangalaga sa katawan.

Sinisiguro ng Limay PNP ang patuloy sa paghahatid ng magandang serbisyo at mapagtibay ang ugnayan ng PNP at pamayanan.

Source: Limay Municipal Police Station

Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera