Cabarroguis, Quirino – Muling nagsagawa ng Community Outreach Program ang Quirino PNP sa Barangay Mangandingay, Cabarroguis, Quirino noong April 12, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Steve Ludan, Regional Director, Police Regional Office 2 alinsunod sa Duterte Legacy Caravan at sa pamumuno ni Police Colonel Rommel Rumbaoa, Provincial Director ng Quirino Police Provincial Office.
60 residente ang nakatanggap ng food packs, 60 residente ang nakatanggap ng libreng bitamina at gamot, 50 residente ang nahandugan ng libreng gupit at 60 ang nakakuha ng libreng seedlings na kanilang itatanim pangdagdag sa kanilang kabuhayan.
Nagsagawa rin ng legal at medical consultation at livelihood trainings sa mga dumalo.
Samantala, nakatanggap din ng libreng pabahay, bigas, food packs at grocery ang pamilya ni Ginoong Elpidio Cacayan na residente ng P4, Barangay Zamora, Cabarroguis, Quirino.
Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng Lokal na pamahalaan ng Cabarroguis, Technical Education Skills and Development Authority (TESDA), Department of Science and Technology (DOST), Department of Agriculture (DA), Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Rural Health Unit (RHU), Legal Office, QPPO, mga opisyal ng Barangay at mga miyembro Advocacy Support Groups.
Magpapatuloy ang PNP sa tulong at pakikiisa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pag-abot ng mga pangunahing serbisyo sa lahat ng mamamayan lalo na sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya.
Source: Quirino PPO
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi