Asipulo, Ifugao – Muling isinagawa ng Ifugao PNP ang Community Outreach Program sa mga mag-aaral ng Cawayan Elementary School sa Brgy. Cawayan, Asipulo, Ifugao nito lamang Linggo, Hulyo 10, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Jackson K Nginhena, DCOP, Asipulo Municipal Police Station kasama ang mga tauhan ng 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company na pinangunahan ni Police Lieutenant Gregorio Buyayo at ang Municipal Social Welfare Development Office ng Asipulo.
Dito ay nakapagbigay ang mga nasabing grupo ng serbisyong libreng gupit at libreng tuli sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Tinalakay at nagbigay kaalaman naman ang mga kapulisan sa mga usaping kampanya kontra Child Abuse at Rape.
Bukod pa rito ay nagkaroon din ng parlor games at pamamahagi ng mga lunch box, tumblers, snacks at hygiene kits sa mga bata.
Hindi naging hadlang sa mga kapulisan ang maputik na daan at mahigit isa’t kalahating oras na biyahe maihatid lamang ang mga tulong sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Samantala, labis na tuwa at pasasalamat naman ang naging sukli ng mga bata sa mga natanggap nilang serbisyo mula sa ating mga kapulisan.
Source: Pnp Ifugao Asipulo
###
Panulat ni Patrolwoman Febelyne C Codiam