Muling umarangkada ang Community Outreach Program kaugnay sa pagdiriwang ng 2024 National Women’s Month na isinagawa ng PNP Officers’ Ladies Club na nakapagbenepisyo ng 50 miyembro ng Agta Community sa Sitio Surut-Surut Barangay San Vicente, San Pablo, Isabela noong ika-23 ng Marso 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mrs Mildred Birung, Police Regional Office 2 Officers’ Ladies Club Adviser kasama sina Police Colonel Lee Allen B Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office; Mrs Russel Bauding, Isabela OLC Adviser; Police Lieutenant Colonel Jane Abigail A Bautista, Isabela OLC President; Police Major Angelo S Pagulayan, Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit; Police Major Rouel H Maña, Chief of Police ng San Pablo Police Station; Regional Community Affairs and Development Division PRO2; LGU San Pablo, Philippine Academy of Family Physicians Inc.; Advocacy Support Groups; Force Multipliers, at mga opisyales ng nasabing barangay.
Itinampok sa nasabing aktibidad ang Project LABB (Law Enforcement, Anti-Illegal Drugs and Criminality, Bureau of Transformation and Building Community Relations), pangkabuhayan package para sa sari-sari store ng dalawang mapalad na benepisyaryo, pamimigay ng Dishwashing Liquid sa pamamagitan ng Project LABB SOAP, Mobile Kusina ni Madam, pamamahagi ng grocery packs, feeding program, pamamahagi ng tsinelas, libreng konsulta at BP Monitoring at nakapagtanim ng 50 na punla ng punongkahoy.
Ang inisyatibong ito ay bilang pagsuporta sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na Bayanihan Spirit na naglalayong mapagtibay ang ugnayan ng mamamayan at kapulisan, partikular sa paghahatid ng serbisyo sa komunidad para sa isang maayos at maunlad na pamayanan.
Source: Isabela PNP
Panulat ni Pat Donnabele Galang