Zambales – Naghatid ng tulong ang San Antonio PNP sa mga residente ng Brgy. West Dirita, San Antonio, Zambales nito lamang Lunes, Enero 30, 2023.
Ang naturang aktibidad na pinamunuan ni Police Major Noel Sitjar, Acting Chief of Police ng San Antonio Municipal Police Station kasama ang mga iba’t ibang Advocacy Support Group.
Umabot sa 100 na benepisyaryo ang nabigyan ng libreng lugaw at libreng bigas.
Samantala, nagbigay kaalaman din ang mga awtoridad patungkol sa Executive Order. 70 National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, Anti-Illegal Drugs at Disaster Preparedness.
Sinisiguro ng Zambales PNP na patuloy na maghahatid ng serbisyo at magbahagi ng mga kaalaman patungkol sa mga ipinatutupad na batas.
Source: San Antonio Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3