Puerto Princesa – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga Tandikan Pulis ng Puerto Princesa City Police Office sa Bacungan Elementary School, Barangay Bacungan, lungsod ng Puerto Princesa noong ika-22 ng Nobyembre 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Aurelio Cabintas, Chief ng City Community Affairs and Development Unit sa pamumuno ni Police Colonel Ronie Bacuel, City Director ng PPCPO kasama ang Pink Peaches Beauty Salon and Aesthetics katuwang ang Haim Chicken sa mga mag-aaral ng Bacungan Elementary School.

Sa nasabing aktibidad ay nagbahagi ang PPCPO ng mga munting regalo sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan tulad ng tsinelas, hygiene kit, mga gamit sa paaraalan tulad ng mga papel, notebook, lapis at iba pa. Nakatanggap din sila ng mga food packs at ice cream sa tulong ng Aice Palawan.

Alinsunod sa Republic Act No. 10661, ang National Children’s Month (NCM) o kilala rin bilang “Buwan ng mga Bata” sa Pilipinas ay taunang ipinagdiriwang tuwing Nobyembre bilang paggunita ng United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC) noong ika-20 ng Nobyembre 1989. Nilalayon nitong ipakita ang kahalagahan nito sa kamalayang Pilipino at ipagpatuloy ang pagtataguyod at proteksyon ng karapatan ng mga bata.
Ang pamunuan ang Puerto Princesa City Police Office ay buong pusong nagpapasalamat sa suporta ng mga stakeholders upang maging matagumpay ang nasabing aktibidad.
Walang katumbas na halaga ang ngiti at kasiyahan ng mga estudyante ng Bacungan Elementary School.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus