Alcoy, Cebu – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Alcoy PNP sa mga residente ng Purok 7, Brgy. Pugalo, Alcoy, Cebu nito lamang Linggo, ika-26 ng Hunyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Alcoy Municipal Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Ramuel O Banogon, Chief of Police.
Nakapagpamahagi ng food packs sa mga residente ng Brgy. Pugalo, Alcoy at kasabay nito ay ang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa R.A 9262 (Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004), Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (R.A. 7610), Anti-Illegal Drugs and their effects at Anti-Terrorism.
Layunin ng Alcoy PNP na mabigyang kaalaman at tulong ang mga residente ng nasabing barangay gayundin ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan ng PNP sa mga mamamayan na maging katuwang sa lahat ng adhikain at adbokasiya ng pamahalaan.
###