Aktibong nakiisa at nakinig ang mga estudyante ng San Juan City Academic Senior High School sa isinagawang Community Organization and Mobilization at Project R.E.A.D.Y. Seminar ng kapulisan ng San Juan City Police Station nito lamang Huwebes, Nobyembre 23, 2023.
Ang pagtuturong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng mga tauhan ng Station Community Affairs and Development Section sa pamumuno ni Police Colonel Francis Allan Reglos, Chief of Police ng San Juan CPS.

Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Senior High ng Grade 11 ng naturang paaralan.
Nakapaloob sa seminar ang pagtuturo tungkol sa Project Resistance Education Against Drugs for the Youth (R.E.A.D.Y.), ELCAC (Peace and Development & Recruitment Deception), Project A.B.K.D., at Pamamahala ng Bomb Threat.
Isang miyembro ng KKDAT naman sa San Juan na si Patrick Andre Lara, Vice President, ang isa sa katuwang ng pulisya upang magbigay ng mga pagkain sa nasabing aktibidad.
Layunin nitong palakasin ang maayos na pakikipagtulungan sa mga paaralan at komunidad upang makamit ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Source: Sanjuancity Pulis
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos